Bawat Bonsai ay kakaiba – gaya ng bawat miyembro sa ating pamilya sa Eat Happy Ang sinumang mag-alaga at magpalaki ng Bonsai na may kagalakan, dedikasyon at pasyon ay maaaring linangin ang kaligayan sa isang maliit na palayok na may kaunting manu-manong kasayahan.

Ito ay nasa ating pangalan – at nasa ating puso. Ito ang sangkap kung bakit tayo ay natatangi. Kung atin talagang mamahalin ang ating ginagawa na may saya at ngiti, maaari rin nating mapangiti ang iba. Ang aming mga kasamahan ay higit pa bilang isang kasamahan. Tayo ay isang pamilya. Kami ang iyong masayang tahanan kahit na kayo ay malayo sa inyong totoong tahanan.

Masarap ang sariwa. Ganun lang ka-simple. Iyon ang dahilan kung bakit kami ay naghahanda ng aming mga pagkain na sariwa araw-araw. Mga sangkap na sariwa na sariling pinagpilian. At higit sa lahat, kami ay palaging sabik na mag-alok din ng mga sariwang ideya. Masaya kaming makita ang aming mga mamimili na nakangiti mula sa unang kagat hanggang sa huli. Iyon ang maipagmamalaki natin at matatawag na “Freshly Made Smiles”.

Sineseryoso namin ang kaligayahan. Kami ay responsable upang matiyak na ang aming mga mamimili y mabigyan ng mga pinakamagandang produkto. Nilalayon naming magbigay ng kontribusyon sa isang napapanatiling kapaligiran. Palagi naming pinakikitunguhan ang bawat isa at ang aming mga mamimili ng may lubos na respeto.

Kami ang pinakamagaling sa aming mga ginagawa. Ang aming mga produkto ay sariling gawa, kasama ng paggalang sa mga tradisyon. Patuloy kaming nagsusumikap upang mapabuti ang aming pagkasining upang ang lahat ay mapasaya.

Ang kasigasigan at dedikasyon ay ang pundasyon ng ating pang-araw-araw na gawain. Kami ay nagseserbisyo sa aming mga mamimili mula sa aming puso at kaluluwa. Walang bundok ang hindi mo kayang akyatin. Kami ay hindi sumusuko.
Ipinagmamalaki ko, na ako ay bahagi ng pamilya ng Eat Happy.
Natutuwa akong makita, kung paano tayo nagkakaroon ng espesyal na ugnayan higit pa sa trabaho.
Protektahan ang iyong O-Mamori tulad ng mga halagang nagbubuklod sa atin. 😉
Nagmamahal
Natascha Tessmann